Nasa title na po ang lahat ng tumbok ng lathalaing ito. Opo, ako’y isang newbie o first timer sa mundo ng mga bloggers. At hindi po ako nahihiyang ipagsigawan ang realidad na ‘to dahil sa katotohanang ang lahat ay nagsisimula sa pagiging baguhan bago pa man marating ang pagiging bihasa sa isang bagay. So, eto po kahit dyan sa simpleng katotohanang yan ang pinaghugotan ko ay nagkaroon ako ng guts. 😄
Pakiramdam ko ngayon? Sooooobrang excited hahaha! Sa sobrang tagal ko ng planong magsulat, sa wakas, eto na! And I guess, this is the perfect and right time to put into paper and inks my sea of thoughts. Thanks to some friends kase through them I discovered this blog site:). Iba lang talaga pag may mga kaibigan kang dinadaan sa pagsulat ang pagpapahayag ng kanilang mga damdamin o komento sa isang bagay dahil siguradong mahahawaan ka😄. And not to forget, salamat sa teknolohiya na nagbibigay daan para mapagtagpo-tagpo at mabigyang koneksyon ang mga tao na nais magpahayag at mga kaisipang naghihintay na mabigyang buhay.
Sa lahat po ng mga bloggers, mapanewbie ka mang tulad ko o professional, nais ko pong hingin mga payo o komento nyong makakadagdag kaalaman sa akin. 😄
Salamat at masayang pagsusulat sa ating lahat! 😁